₱300K ng Japanese nadekwat sa mall

3 years ago 0 Comments

NATANGAY ang pouch ng isang Japanese national na naglalaman ng mahi­git 100,000 Yen, mamahaling relos at mga cre­dit card habang nasa loob ng Robinsons Place Mall kamakalawa nang umaga sa Ermita, Maynila.

Nagreklamo sa tanggapan ng Manila Police District-General Assignment and Investigation Section(MPD-GAIS) ang biktimang si Moraru Fuji, 59-anyos, Ja­panese national at nanunulu­yan sa Riviera Mansion Hotel sa Mabini, Ermita, Maynila.

Sa reklamo ng biktima, nasa loob siya ng mall dakong alas-11:30 nang umaga at naglalakad nang mapansin niya na nawawala na ang dala niyang pouch na naglalaman ng Y100,000 cash,Omega watch na nagkakaha­laga ng Y500,000 na sa kabuuang halaga ay umaabot sa kulang-kulang P300,000 bukod pa sa dalawang credit cards.

Kaagad umano niyang pina-block ang kanyang American Express card sa pangambang makapag- withraw ang mga suspek.

Nagsasagawa naman ng follow-up operation ang pulisya para madakip ang mga suspek. (Juliet de Loza-Cudia)

Source From:https://www.abante.com.ph/%e2%82%b1300k-ng-japanese-nadekwat-sa-mall.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi