Namatay ang isang residente matapos masugatan at 'di agarang nadala sa pagamutan habang nanalasa ang bagyong Ambo sa bayan ng San Policarpo, Eastern Samar nitong Biyernes.
Tatlong katao rin ang sugatan matapos madaganan ng yero habang lumilikas sa kasagsagan ng bagyo.
Ayon sa alkalde ng munisipalidad na si Thelma Nicart, 60 porsiyento sa mga kabahayan sa buong bayan ay nasira, lalo na ang mga gawa sa kahoy.
Unang nag-landfall ang bagyo sa naturang bayan.
Bakas din ang pinsalang dinulot ng bagyong Ambo sa iba pang mga bayan sa Eastern Samar matapos nitong mag-landfall sa lugar.
Ayon kay Ignacia Ravas, isa sa mga nasiraan ng tahanan, nagulat sila sa malakas na hangin na dala ng bagyo.
Hindi naman alam ni Florita Buenafe kung paano magsisimulang muli matapos napinsala rin ang kanyang bahay dahil sa bagyo.
Parehas sina Ravas at Buenafe na problemado ngayon dahil sa kawalan ng matutulugan at mga basang gamit nila.
Sa monitoring ng lokal na pamahalan ng Eastern Samar, naibalik na ang supply ng kuryente sa timog silangan na mga bayan.
Wala pa rin supply ng kuryente sa mga lugar malapit sa unang sinalanta ng bagyo at problema rin ng linya ng komunikasyon.
Source From:https://news.abs-cbn.com/news/05/16/20/1-patay-3-sugatan-sa-eastern-samar-sa-pananalasa-ng-bagyong-ambo