MAYNILA – Pagkatapos ng halos kalahating taon, makakabiyahe na muli ang mga tradisyunal na jeepney sa mga iba pang mga lugar sa Metro Manila matapos aprubahan ng gobyerno ang karagdagang 10 ruta sa rehiyon.
Sa memorandum circular 2020-043 na inilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board, maaari nang makabiyahe muli ang mga sumusunod na ruta:
- North Avenue- Quezon City Hall
- Marcos Avenue- Quirino Highway via tandang sora
- Dapitan- Libertad via L. Guinto
- Divisoria- Retiro via JA Santos
- Divisoria- Sangandaan
- Libertad- Washington
- Baclaran- Escolta via Jones, L Guinto
- Baclaran- QI via Mabini
- Blumentritt- Libertad via Quiapo, Guinto
- Blumentritt- Vito Cruz via L Guinto
Paalala ng LTFRB, ang maaaring mag-operate ng walang special permit ang mga roadworthy traditional PUJs, na mayroon valid personal passenger insurance.
Dapat ay iprint nila ang QR code na ibibigay ng LTFRB sa bawat operator para makapamasada. Maaari itong idownload sa website ng nasabing ahensiya.
Dapat ay sumunod sila sa mga safety protocols na inilabas ng IATF.
Nasa 178 na ang rutang nabuksan para sa mga tradisyunal na jeep.