15 taon kulong sa bandalismo malupit — Panday Sining

3 years ago 0 Comments

Tinutulan ng grupong Panday Sining ang House Bill (HB) 2090 na hinain ni Batangas 2nd District at House Deputy Spea­ker Raneo Abu na la­yong patawan ng 12-15 taong pagkakakulong ang sinumang mapatutunayan sa bandalismo at nagnakaw o sumira ng mga gamit na pag-aari ng pamahalaan.

“Mas masahol pa ang trato ng rehimen sa mga nagpapaskil ng panawagan sa pader kung ikukumpara sa pagprotekta nito sa mga malala­king kriminal, mamamatay-tao, drug lord, tiwali sa pamahalaan, at iba pa,” ayon sa pahayag ng Panday Sining.

Giniit naman ni Abu, ang mga karatula at warning device sa mga kalsada ay inilagay para mabigyang proteksyon at makaiwas sa aksidente ang mga motorista at pedestrian.

Bukod sa kulong posible pang magmulta ng P300,000 ang sinumang mapatutunayan na nag-vandal at nagnakaw o sumira ng mga gamit o iba pang pasilidad na pag-aari ng pamahalaan.

Source From:https://www.abante.com.ph/15-taon-kulong-sa-bandalismo-malupit-panday-sining.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi