17 barangay sa Pampanga lubog sa baha

4 years ago 0 Comments
Watch more in iWant or TFC.tv

Lubog na sa baha ang 17 barangay sa 3 bayan sa Pampanga dulot ng malakas na pag-ulang dala ng habagat.

Naitala ang pagbaha sa mga bayan ng San Simon, Lubao, at Macabebe na magdamag nakaranas ng mahina hanggang sa katamtamang lakas ng ulan.

Sa bayan ng Macabebe, 8 barangay ang may 2 hanggang 3-talampakang pagbaha dala ng high-tide na pinatindi pa ng walang humpay na pag-ulan.

Suspindido pa rin ang klase mula elementarya hanggang senior high school sa buong lalawigan, maliban sa bayan ng Masantol na nagdeklara ng class suspension sa lahat ng antas.

— Ulat ni Gracie Rutao, ABS-CBN News

Source From:https://news.abs-cbn.com/news/07/02/19/17-barangay-sa-pampanga-lubog-sa-baha

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi