MAYNILA — Dalawa ang patay sa pagsabog sa isang residential area sa bayan ng Santo Tomas, Batangas ngayong Lunes, ayon sa pulisya.
Ayon kay Police Lt. Col. Harold Depositar, hepe ng Santo Tomas police, kumpirmadong may 2 patay sa pagsabog sa isang bahay sa Barangay San Roque habang may batang itinakbo sa ospital.
Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang sanhi at dahilan ng pagsabog.
–Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News
Source From:https://news.abs-cbn.com/news/03/18/19/2-patay-sa-pagsabog-sa-batangas