Hawak na ng pulis ang 2 suspek sa pagpatay sa mag-iina sa San Jose Del Monte, Bulacan, kinumpirma ng mga awtoridad ngayong Huwebes.
Alas-8:30 kagabi nang matagpuang patay sa loob ng bahay ang 28 anyos na si Jaymee Casabuena, at ang kanyang dalawang batang anak na 8 at 5 taong gulang.
May mga saksak sa katawan ang mga biktima at pinatay pati ang aso sa loob ng bahay.
Nahuli na ng SJDM PNP ang dalawang suspek sa pagpatay sa isang babae at dalawa niyang anak sa Brgy. Kaypian, San Jose del Monte, Bulacan. Ang isa sa mga suspek ay kakilala ng biktima. Pagnanakaw ang isa sa mga anggulong tinitingnan @ABSCBNNews @DZMMTeleRadyo pic.twitter.com/vtX2DSuHvL
— Jervis Manahan (@JervisManahan) April 4, 2019
Unang nahuli ang suspek na si Wilson Cortes sa North Caloocan. Asawa umano siya ng pinsan ni Casabuena.
Sa isa pang follow-up operation ay nahuli naman sa San Jose Del Monte, Bulacan ang pangalawang suspek na si Joselito Cortez.
Nahuli sila base sa mga salaysay ng mga witness sa lugar.
Pagnanakaw ang isa sa mga tinitingnang anggulo sa pagpatay. Magugunitang natagpuang bukas ang mga drawer sa bahay nang makita ang bangkay ng mga biktima.
Single mother si Casabuena at silang tatlo lang talaga ang nakatira sa loob ng bahay.
Nakatakdang iharap sa media ang mga suspek sa Camp Olivas sa Pampanga mamayang tanghali.
Source From:https://news.abs-cbn.com/news/04/04/19/2-suspek-sa-pagpatay-sa-mag-iina-sa-bulacan-nasa-kustodiya-na-ng-pnp