20M nawalan ng trabaho sa US

3 years ago 0 Comments

Dausdos ang ekonomiya ng United States na sa ngayon ay nararanasan pa rin ang hagupit ng COVID-19 pandemic kung saan lampas 1 milyong ang confirmed case sa nasabing bansa.

Dahil dito, aabot na umano sa 20.5 milyong trabaho ang tinatayang nawala sa mga US citizen sa buwan ng Abril, ang pinakamataas na pagka-displace ng mga manggagawa sa bansa buhat noong Great Depression.

Base sa datos ng US Labor Department, nasa 14.7-percent ang sumirit sa unemployment rate ng US noong nakaraang taon, higit na mas tumaas noong post-World War II kung saan naitala sa 10.8 percent noong 1982.

Ang dahilan ng pagkawala ng trabaho ay nag-ugat sa lockdown measure na pinatupad ng state at local government para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19, na kumitil na sa buhay ng abot sa 75,000 Amerikano. (RP)

Source From:https://www.abante.com.ph/20m-nawalan-ng-trabaho-sa-us.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi