Sinakal hanggang masawi ang tatlong magkakapatid na nurse sa Mexico, kasunod ng serye ng pag-atake sa mga health worker na lumalaban sa coronavirus pandemic.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa krimen kaya hindi pa umano malinaw ang motibo ng salarin.
Nilarawan naman ni Javier Guerrero, opisyal ng main public health service ng Mexico, na murder ang pagkamatay ng tatlong nurse at naganap pa sa panahon na pinakaimportante ang mga health worker para harapin ang health crisis.
Natagpuan ang bangkay ng magkakapatid sa bahay ng mga ito sa Torreon City. Sinabi naman ng state prosecutor na wala pang ebidensya na ang ginawang pag-atake ay may kinalaman sa kanilang trabaho, posible rim umano na pagnanakaw ang motibo sa krimen.
Source From:https://www.abante.com.ph/3-nurse-sa-mexico-patay-sa-sakal.htm