3 patay, 1 sugatan sa sagupaan ng militar, Dawlah Islamiya sa Maguindanao

3 years ago 0 Comments

AMPATUAN, Maguindanao- Tatlo ang patay nang magkasagupa ang mga tropa ng militar at mga miyembro ng Dawlah Islamiya sa bayan ng Ampatuan, Maguindanao nitong Lunes ng gabi.

Ayon sa 6th Infantry Division, kabilang sa mga namatay ang dalawang miyembro ng Dawlah Islamiya.

Isa naman ang patay mula sa militar at isa ang nasugatan.

Dagdag ng pa ng 6ID, ikinasa ang operasyon laban sa Dawlah Islamiya partikular na sa grupo ng isang Salahudib Hassan base na rin sa report mula sa mga sibilyan dahil umano sa pangingikil ng grupo.

Narekober sa operasyon ang dalawang armas at isang improvised explosive device.

Ilang araw pa lang ang nakakalipas nang magsagawa rin ng operasyon ang militar sa Maguindanao partikular na sa bayan ng Shariff Saydona Mustapha kung saan narekober ang siyam na mga pampasabog, mga gamit sa paggawa ng bomba at mga dokumento.
 

Source From:https://news.abs-cbn.com/news/03/02/20/3-patay-1-sugatan-sa-sagupaan-ng-militar-dawlah-islamiya-sa-maguindanao

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi