30 babaeng pulis mapapasabak sa Eastern Visayas

3 years ago 0 Comments

Nagdagdag ng 150 bagong recruit na pulis ang Police Regional Office (PRO) 8 sa Eastern Visayas.

Kinabibilangan ito ng 30 babaeng pulis at 120 la­laking alagad ng batas.

Ayon kay PRO 8 Director, Brig. Gen. Ferdinand Divina, ang kabuuang 150 bagong talagang pulis ay inaasahang magiging instrumento ng pagbabago sa culture of professionalism and service excellence bilang isang disiplinadong police officers.

Sasailalim sila sa mandatory training na pamamahalaan ng PRO 8 training center, kabilang ang anim na buwang public safety basic recruit course sa Kuta Kankabato, San Jose village sa Tacloban City, limang buwang field training program at isang buwan na evaluation sa regional special training unit. (Vick Aquino)

Source From:https://www.abante.com.ph/30-babaeng-pulis-mapapasabak-sa-eastern-visayas.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi