300 Chinese tengga sa NAIA

3 years ago 0 Comments

Naipit ang tinatayang 300 Chinese sa Pilipinas nang sinuspinde ng gobyerno ang paglalak­bay sa China at mga teritoryo nito, ayon sa Bureau of Immigration.

Ang mga Tsino, na karamihan ay nasa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay naghihintay ng tulong­ sa embahada ng Beijing, pahayag ni Dana Sandoval, taga­pagsalita ng BI.

Karamihan aniya sa mga airline ay nagkansela na ng kanilang biyahe at mula sa iba pang bahagi ng China.

Ayon sa opisyal ng BI, nangako naman ang Chinese embassy na magpapadala sila ng isang eroplano upang sunduin ang mga na-stranded na mga dayuhan.

Sabi ni Sandoval, may ilan pang mga dayuhan ang na-stranded din ng sandali dahil sa travel ban ay nagawa ng makaalis ang mga ito ng Maynila.

Noong linggo, ipina­tupad ng Pilipinas ang pagbabawal sa pagbiyahe sa lahat ng mga dayuhang dumarating mula sa China, Hong Kong, at Macau, kasama na ang mga bumi­sita sa mga lugar na ito sa loob ng 14 na araw.

Ang mga mamamayang Pilipino at ang mga may hawak ng permanent resident visa na inisyu ng gobyerno ng Pilipinas subalit pinapayagan na makapasok sa bansa sa kondisyon na sumailalim sila sa isang 14 na araw sa quarantine.
(Mina Aquino)

Source From:https://www.abante.com.ph/300-chinese-tengga-sa-naia.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi