KINUMPIRMA ni Orion Mayor Antonio ‘Tony Pep’ Raymundo Jr. na apektado na rin ng African Swine Fever (ASF) ang kanyang bayan.
“Umabot na sa apat na barangay ang apektado ng ASF pero tinitiyak ko na safe at dumaan sa tamang inspeksyon ng Bataan Provincial Veterenary Office ang lahat ng karneng ibinibenta sa aming pamilihang bayan,” ani Raymundo.
Dagdag pa ng alkalde, mayroong 3,000 backyard hog raiser sa bayan ng Orion habang isa lang ang commercial piggery.
Nasa mahigit 300 baboy ang sumailalim na sa culling procedure bilang bahagi ng depopulation sa mga naapektuhan ng ASF virus para huwag nang makahawa pa sa ibang alagaing baboy.
Bukod sa bayan ng Orion, nauna nang nag-ulat ang mga bayan ng Dinalupihan, Hermosa, Orani, Abucay at Samal na napasok na ang ilang barangay nila ng ASF virus. (Jennifer Go)
Source From:https://www.abante.com.ph/4-barangay-sa-bataan-nadale-ng-asf.htm