5 epal US senator butata kina Sotto, Lacson, Honasan

3 years ago 0 Comments

ISANG resolusyon ang isinumite sa Senado para kontrahin ang dalawang resolusyon ng US Congress na iatras ang mga kaso laban kina Senadora Leila De Lima at Rappler CEO Maria Ressa.

Sa Senate Resolution 1037 na magkasamang iniakda nina Senador Panfilo Lacson, Senate President Vicente Sotto III at Sen. Gregorio Honasan sinopla ng mga ito ang mga mambabatas ng Estados Unidos na nakikialam sa sistema ng hudikatura ng Pilipinas.

Ayon kay Lacson, walang ibang hangarin ang kanilang pagsasampa ng resolusyon.

Malinaw lamang aniyang isinaad ng mga ito na hindi pupuwedeng makialam ang mga dayuhan sa panloob na usapin ng Pilipinas.

“Sen. (Leila) de Lima and Ms. (Maria) Ressa are but incidental to the intent of this resolution. They are entitled to fair justice and judgment by the courts handling their cases. But what we need to point out is that supremacism has no place in a civilized world regardless of race, color and status in wealth and power,” paliwanag ni Lacson.

“We are not their colony. We have a Constitution that provides for three co-equal branches and a judicial system where due process is followed, regardless of its flaws and weaknes­ses,” banggit pa ni Lacson.

Partikular na nilalaman ng Senate Resolution 1037 ay ang matigas na paninindigan ng tatlong mambabatas sa proposed US Resolution 233 at 142 na parehong nagtataglay ng lantarang pakikialam sa mga usapin ng politika at hudikatura ng bansa.

Isinulong ng dalawang US resolution ang paglaya kay de Lima at Ressa.

“(I)t is submitted that the said Resolutions are highly inappropriate and unbefitting, considering that the Philippines is no longer a vassal or a colony of the United States of America but a sovereign state and a member of the family of nations governed by its own municipal laws and the generally accepted principles of international law,” saad ng resolusyon ng tatlong senador.

Batay sa anim na pahinang re­solusyon, hindi maaaring palayain si de Lima at Ressa at bitiwan ang kaso laban sa kanila at sa Rappler, dahil hindi maaaring pakialaman ng mga banyaga ang hudikatura ng Pilipinas.

Idinidiin din ng resolusyon na ang kaso laban kay Ressa ay hindi dahil kritiko siya ng administrasyon kundi dahil sa paglabag sa batas ng Pilipinas, kasama ang Cybercrime Prevention Act of 2012; National Internal Revenue Code; at Anti-Dummy Law of the Philippines. (Anne Lorraine Gamo)

Source From:https://www.abante.com.ph/5-epal-us-senator-butata-kina-sotto-lacson-honasan.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi