51 binalik sa trabaho ng CA GMA-7 walang puso sa mga staff

3 years ago 0 Comments

IPINAG-UTOS ng Court of Appeals (CA) ang ­reinstatement o pagpapabalik ng GMA Network Incorporated sa 51 talent nito na tinanggal o ­hindi na ni-renew matapos magprotesta sa labas ng ­network.

Sa kautusan na may petsang Pebrero 19, idineklara ng 15th Division na regular ang 51 ­empleyado at kuwalipikado sa “reinstatement ­without loss of seniority rights, full back wages ­inclusive of allowance, and any and all benefit regular employees of GMA receives computed from the time his or her compensation was withheld up to the time of his or her actual reinstatement.”

Inatasan din ng 15th Division ang media firm na pag-aari ni Felipe Gozon na pabalikin sa ­trabaho ang 51 empleyado nito na tinanggal.

Bahagi ang mga sinibak na empleyado ng ­Talents Association of GMA-7.

Inihain ng mga petitioner ang kaso laban sa network noong 2014.

Ayon sa mga petitioner, ilan sa kanila ang ­na-terminate dahil nakiisa sila sa protesta laban sa “unfair labor practices” ng GMA.

Binaligtad ng korte ang naging desisyon noong 2017 ng National Labor Relations Commission.

Sinabi rin ng CA na ang 15 na empleyado na nagsumite ng resignation letter habang ­gumugulong ang kaso ay kuwalipikado pa ring makatanggap ng backpay.
Pinag-utos din ng korte sa arbiter na ­muling i-compute ang halaga ng kompensasyon na ­nararapat ibayad ng GMA sa mga petitioner. (IS)

Source From:https://www.abante.com.ph/51-binalik-sa-trabaho-ng-ca-gma-7-walang-puso-sa-mga-staff.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi