UMALMA ang mga estudyante ng University of the Philippines-Los Baños (UPLB) dahil sa umano’y hindi makatarungang paghihigpit ng Board of Regents sa mga estudyante.
Bunsod nito ay magpoprotesta ang Samahan ng Kabataan Para sa Bayan kasabay ng pulong ng Board of Regents ngayong alas-otso nang umaga sa UP-Diliman.
Inirereklamo ng mga estudyante ang ipinatupad na UPLB Admin Registration Guidelines na dahilan para ‘di nakapag-enroll ang may 524 UPLB students.
Ayon sa grupo, pinagkaitan umanong mag-aral ang mga estudyante ngayon semestre dahil sa “No late registration policy” na itinuturing nilang kabilang sa mga anti-student policies.
Sa kabila umano ng libreng tuition fee sa mga state universities and colleges (SUCs), maraming estudyante ng UPLB ang hindi nakapag-enroll.
Gayunman ay nanatiling tahimik ang administration at bilang tugon ay nagpadala ng memorandum sa mga professor ang UPLB na huwag tanggapin sa klase ang mga hindi naka-enroll na estudyante.
Source From:https://www.abante.com.ph/524-uplb-student-di-naka-enroll-sa-higpit-ng-board-of-regents.htm