6 tres ni Galanza bumuhat sa NLEX

3 years ago 0 Comments

NAGSALPAK si Pedrito ‘Bong’ Galanza ng 18 points, lahat sa rainbow territory, buhat sa bench upang mabasag ng NLEX ang Blackwater, 122-101, at suminghap pa sa paghahabol sa quarterfinals Linggo ng gabi sa PBA Phi­lippine Cup elims sa Smart Araneta Coliseum, Quezon City.

Sinandigan ng NLEX ang ikalawang yugto kung saan naghulog ng kabuuang 34 puntos habang nilimitahan ang Blackwater sa 20 puntos lamang upang makalaro ng hanggang 29 at angkinin ang ikaapat na panalo sa siyam na laro na nagpaangat din sa ikapitong puwesto.

Ibinagsak ng NLEX ang apat na sunod na tres mula kina Philip Paniomogan, JR Quiñahan at ­da­lawa ni Galanza na nagpasimula sa 30-15 bomba ng Road Warriors sa ikalawang yugto upang itala ang 55-39 abante bago magtapos ang unang hati sa 57-42.

Itinala pa ng Road Warriors ang pinakamalaking paglayo sa 4:49 ng laro matapos makaagaw si Paniomogan at maipasok ang isang lay-up para sa 84-55, para mabaon lalo sa kulelat ang Elite sa 2-8, na­ging unang kaswalidad sa torneo.
Tangko si Paniamogan sa mga bata ni Guiao na rumatsada, may 25 markers.

Source From:https://www.abante.com.ph/6-tres-ni-galanza-bumuhat-sa-nlex.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi