7 balyahan sa huling 4 na upuan sa Senado

4 years ago 0 Comments

PITONG kandidato sa pagka-senador ang inaasa­hang maglalaban sa huling apat na upuan sa Senado ngayong halalan sa Mayo 13.

Base sa Pulse Asia survey nitong Mayo 3-6, alinman kina Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, Sen. Nancy Binay, Sen. Aquilino ‘Koko’ Pimentel III, Senador JV Ejercito, dating Senador Jinggoy Estrada, Senador Bam Aquino at dating presidential adviser Francis Tolentino ang posibleng manalo o matalo sa darating na halalan.

Si Marcos ay nasa 6-14, habang si Binay ay 8-15.

Tabla naman sa pang-9 hanggang 15 puwesto sina Pimentel, Ejercito, Estrada at Aquino. Si Tolentino ay pang-10 hanggang 15 puwesto.

Nanguna sa survey si Senador Cynthia Villar, sumunod si Senador Grace Poe at ikatlo si Taguig Rep. Pia Cayetano.

Nasa ikaapat hanggang ikawalong puwesto naman sina Bong Go, Ramon Bong Revilla, Jr., dating senador Lito Lapid, dating PNP chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa at Senador Sonny Angara.

Source From:https://www.abante.com.ph/7-balyahan-sa-huling-4-na-upuan-sa-senado.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi