70 mag-aaral nahilo, hinimatay sa stampede sa lindol

4 years ago 0 Comments

Umabot sa 70 mga mag-aaral ang nakaranas ng pagkahilo at nahimatay dala ng sobrang takot sa naramdamang lindol sa Davao City, Miyerkoles ng umaga.

Ayon kay Davao City Police Office Director Alex Tagum, may ilan na ang dinala sa ospital.

Sa inisyal na impormasyon ng pulisya, nag-panic umano ang mga mag-aaral ng Crossing Bayabas National High School sa Toril sa sobrang takot nang maramdaman ang lindol kaya't may nahirapang huminga, nahilo at nahimatay nang maipit sa stampede. 

Agad naman rumesponde ang awtoridad kasama ang mga volunteer rescue groups sa lugar.

Ilang minuto bago mag alas-9 ng umaga nang yanigin ng 4.9 magnitude na lindol ang bayan ng Makilala sa North Cotabato.

Ito umano ay aftershock ng naunang malakas na lindol Martes ng gabi sa nasabi ding bayan.

Source From:https://news.abs-cbn.com/news/07/10/19/70-mag-aaral-nahilo-nahimatay-sa-stampede-sa-lindol

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi