80’s idol Dennis da Silva nang-rape ng bata Ex ni Ruffa…

3 years ago 0 Comments

SOBRANG devastated si Dennis da Silva sa nangyaring hatol sa kanya ng korte. ‘Yan ay ayon sa isang taong malapit sa dating aktor.

Sabi ng taong kausap ng Abante, nagulat si Dennis sa naging hatol na 15 life imprisonment.

Base sa obserbasyon ng Abante, sa simula ay relax lang si Dennis dahil lahat sila including his family at abogado ay umaasa na sa wakas ay makakalabas na siya ng kulungan.

Sa simula ay hindi nga raw tiningnan ni Dennis ang family niya na nandun sa korte, lalo na nang nagsimula sa life ­sentence, dahil ayaw nga raw niyang maiyak.

Pero, hindi rin daw natiis ni Dennis na hindi tumingin, at nakita nga niya ang misis niya na umiiyak, pati mga anak niya.

Pinilit pa rin daw ni Dennis na ­i-compose ang sarili niya. Ayaw nga raw ni Dennis na makita ng pamilya niya na pinanghihinaan siya ng loob.

Sa ngayon ay gumagawa ng motion for reconsideration ang abogado ni Dennis sa korte kung saan siya sinintensiyahan.

Nitong Pebrero 7 ay hinatulan sa Branch 261 ng Pasig Regional Trial Court (RTC) si Da Silva ng reclusion perpetua o habambuhay na pagkakabilanggo sa bawat 15 bilang ng panghahalay base sa Article 266-A in relation to Article 266-B of the Revised Penal Code, as amended, in relation to Republic Act No.7610.

Ang hatol ay iginawad matapos mapatunayan ng korte ang ginawang ­panggagahasa sa 14-anyos na biktima na anak ng kanyang live-in partner
Si Da Silva, 47-anyos ay mahigit ­17-taon nang nakakulong sa Pasig City Jail dahil sa kasong rape at child abuse sa mga ­paulit-ulit na insidente sa ­kanyang ­14-anyos na anak-anakan na ­nagsimula noong 2001 na kung saan ay nasa 28-­anyos pa ito.

Maliban dito, nahatulan din ang dating aktor ng apat na taon, dalawang buwan, at isang araw hanggang anim na taon at isang araw na pagkakakulong para sa apat na bilang ng child abuse o paglabag sa ­Republic Act No.7610 sa 14-anyos na hindi na pinangalanang biktima.

Para naman sa civil liability, ipinag-utos ng korte na bayaran ni Da Silva ang pamilya biktima ng P100,000 para sa civil indemnity, P100,000 para sa moral ­damages, at P100,000 para sa exemplary damages o P300,000 na may kabuuang halaga na P4.5 million para sa bawat count of rape kabilang pa ang P380,000 o nasa P95,000 bawat isa para sa four counts ng child abuse.

Ayon sa Pasig RTC, maaaring ­mag-apply ng conditional pardon at commutation o good conduct time allowance si Da Silva subalit kailangan pa rin niyang magbayad para sa perhuwisyo na kanyang ginawa sa biktima.

Kung walang pambayad si Dennis sa civil indemnity, maaari siyang mag-file ng appeal dahil sa pag-asang mabago ang desisyon pero nangangahulugan ito ng kanyang mas matagal na pananatili sa ­kulungan.

Kasama ang live-in partner noon ni Dennis na si Marilyn Paz sa mga ­sinampahan ng kaso ngunit namatay na ito bago pa man nakamit ng kanyang anak ang hustisya

Matatandang si Dennis Da Silva ay nagsimula sa showbiz noong Dekada ‘80 at kontrobersyal na ex-boyfriend at ­ka-love team ni Ruffa Gutierrez. Sumikat at ­biglang lumagapak ang career nito dahil nalulong sa bisyo na naging dahilan para mapariwara ang kanyang buhay. (Vick Aquino)

Source From:https://www.abante.com.ph/80s-idol-dennis-da-silva-nang-rape-ng-bata-ex-ni-ruffa-forever-kulong.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi