Inutos ni Mayor Jerry Treñas, ang pag-lockdown sa hotel sa Iloilo City na nagsisilbong quarantine facility para sa mga umuwing overseas Filipino worker (OFW) matapos siyam sa kanila ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sa ginawang rapid testing.
Gayunman, ayon sa alkalde hinihintay pa rin nila ang resulta mula sa everse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test na kinokonsidera bilang gold standard sa COVID-19 testing na mas reliable umano kumpara sa rapid antibody test.
Ang siyam na OFW na nagpositibo ay kabilang sa 175 OFW na dumating sa Iloilo City noong Miyerkoles matapos ma-stranded sa Maynila sa loob ng isang buwan dahil as enhanced community quarantine sa buong Luzon.
Sinailalim sa rapid testing ang mga umuwing OFW, dinala rin ang kanilang swab sample sa PCR testing.
Sa 175 bilang ng OFW, 68 ang mula sa Iloilo province, 37 sa Aklan, 18 sa Antique, 12 mula sa Capiz, at 5 sa Guimaras.
Source From:https://www.abante.com.ph/9-ofw-sa-iloilo-city-positibo-sa-rapid-test2.htm