TATALON na ba sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) si Phoenix superstar Calvin Abueva?
Naispatan si ‘The Beast’ Biyernes ng gabi sa North Semifinals ng 2020 Chooks-to-Go MPBL Lakan Cup sa FilOil Flying V Centre.
Sa laban ng Manila Stars kontra Makati Super Crunch ay nakitang nakaupo si Calvin sa VIP row katabi sina Pampanga team governor Dennis ‘Delta’ Pineda at MPBL founder Senator Manny Pacquiao.
Sa naunang report, nagbigay rin ng pregame talk ang 32-anyos sa koponang Pampanga bago sumabak sa top-seeded team na San Juan Knights.
Suportado ni Calvin ang koponang Pampanga dahil tubong Angeles ito at doon din lumaki.
Dahil matagal nang nakatengga at ban pa rin sa PBA matapos masangkot sa girian kay former TNT import Terrence Jones, maraming fan ang nang-eengganyong mag-ober-da-bakod na lang ito sa MPBL.
“Well, he should play there. PBA is full of politics,” sey ni netizen @DavidPedeglorio.
“Dyan ka nalang. Mas maganda ang MPBL kesa PBA ngayun. fvcking realtalk!” sambit ni @RenjayDeMesa. (Aivan Episcope)
Source From:https://www.abante.com.ph/abueva-tatalon-sa-mpbl.htm