Abueva tumimbre sa ligang labas

3 years ago 0 Comments

PABALIK na ng PBA si Calvin Abueva, bigla namang nagkaroon ulit ng sabit.

Maliit na bagay lang naman umano ang salto, pero may epekto pa rin.

“Internal matter kasi iyon,” anang isang insi­der sa Phoenix Fuel Masters patungkol sa larong labas na pinag­laruan ng The Beast sa Laguna ilang linggo na ang nakakaraan.

“Kung nakakuha siya ng permiso mula sa Phoenix, walang problema,” lahad ng source.

Sa hiwalay na inter­view sa PBA Media Day noong Huwebes, nabanggit ni Fuel Masters coach Louie Alas na humingi ng permiso sa kanya si Calvin para maglaro sa ligang iyon.

“Ang sabi ko, sa mga bossing siya ­magpaalam,” ani Alas. “Hindi ko lang alam kung ginawa niya iyon.” (Vladi Eduarte)

Source From:https://www.abante.com.ph/abueva-tumimbre-sa-ligang-labas.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi