Ador Mawanay, inaresto sa Pasig City

3 years ago 0 Comments

MAYNILA – Inaresto ng pinagsanib na puwersa ng Anti-Organized Crime Unit at Rizal Provincial Field Unit ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang negosyanteng si Antonio Luis Marquez alyas Ador Mawanay.

Kinumpirma ito ni CIDG Deputy Director for Administration BGen Rhoderick Armamento

Naaresto si Mawanay alas-5:30 ng hapon sa isang bahay sa Greenwood Subdivision sa Pasig City dahil sa kasong estafa.

Sa bisa ito ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Ma.Consejo Ignalaga ng Antipolo City Regional Trial Court

Nasa kustodiya na ngayon ng CIDG Anti-Organized Crime Unit si Mawanay.

Matatandaang noong 2001, inakusahan ni Mawanay ang ilang mambabatas na sangkot umano sa illegal drug trade, kidnapping, korupsyon.

Kabilang sa mga inakusahan niya si Senador Panfilo Lacson. Ani Mawanay, na nagpakilalang isang computer expert umano, may mga foreign bank account umano si Lacson mula sa mga ilegal na gawain nang siya pa ang hepe ng Philippine National Police.

Di kalaunan, humingi ng tawad si Mawanay at inamin na hindi totoo ang mga akusasyon.

Source From:https://news.abs-cbn.com/news/05/27/20/ador-mawanay-inaresto-sa-pasig-city

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi