Aga 45 taon nang nagpapaiyak

3 years ago 0 Comments

Lalong tumibay, humusay, namayagpag

Ni: Ruel Mendoza

Aga Muhlach is back!

Ito ang ikinakatuwa ng maraming fan ng former matinee idol dahil sa pagiging top-grosser ng kanyang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019 film na “Miracle In Cell No. 7”.

Matagal ngang hindi napanood si Aga sa isang pelikula na siya ang bida at pinakita niya na hindi pa rin kumukupas ang husay niya sa pag-arte.

Nakakalungkot lang isipin na hindi nabigyan ng recognition ang kanyang husay sa pagganap bilang Joselito Gopez sa “Miracle In Cell No. 7”, pero bumawi naman ang kanyang pelikula na kumabog sa ibang MMFF film entries.

Balikan natin ang mga pelikula ni Aga sa magkakaibang dekada. Patunay lang na may staying power si Aga mula sa pagiging child actor hanggang sa muling pagbabalik niya sa pag-arte sa big screen…

MAY ISANG TSUPER NG TAKSI (1975)

Nagsimula bilang child actor si Aga tulad ng kanyang pinsan, ang child wonder na si Niño Muhlach. Gamit pa ni Aga noon ang tunay niyang pangalan na Ariel Muhlach noong ma-introduce siya sa “May Isang Tsuper Ng Taksi” kunsaan bida si Orestes Ojeda. Dinirek ito ni Joey Gosiengfiao. Lumabas din si Aga sa pelikulang “Babaing Hiwalay sa Asawa” in 1976 na dinirek ni Ishmael Bernal at bida ang kanyang Tita Nena aka Amalia Fuentes.

AGUILA (1980)

Eleven years old lang si Aga nang gawin niya ang pelikulang “Aguila” kunsaan bida si Fernando Poe, Jr. Ginampanan ni Aga ang role bilang Danielito Aguila. Dito mas nakilala si Aga na puwede siyang hubugin bilang isang upcoming teen actor.

BAGETS (1984)

Ang “Bagets” ang naging breakthrough film ni Aga bilang isang 15-year-old teen actor. Kasama sina William Martinez, JC Bonnin, Raymond Lauchengco at Herbert Bautista, naging isang phenomenal box-office success ang pelikulang ito ni Maryo J. Delos Reyes na siyang pilit na ginagaya ang formula ng ibang direktor. Nagkaroon ito ng sequel na “Bagets 2” pero hindi na nakasama rito si Aga.

CAMPUS BEAT (1984)

Naging first lead role ni Aga ang “Campus Beat” na produced ng kanyang sariling film outfit na Morning Star Productions. Dinirek ni Emmanuel Borlaza at Edd Palmos, tungkol ito kay Ariel at ang kanyang adventures and misadventures sa pagpasok niya ng high school. Nakasama rin dito ni Aga sina Amy Perez, Tania Montenegro, Mike Concepcion, Paco Arespacochaga at Bentot Jr.

MIGUELITO: BATANG REBELDE (1985)

First serious film ni Aga na dinirek ni Lino Brocka. Sa “Miguelito: Batang Rebelde” nakasama ni Aga ang mahuhusay na artista tulad nina Eddie Garcia, Gloria Romero, Robert Arevalo, Mario Montenegro, Liza Lorena at Nida Blanca. Dito rin unang nakakuha ng acting nominations si Aga sa FAMAS at Gawad Urian. Kuwento ito ni Miguelito na hinahanap ang kanyang tunay na ina na tinaboy ng kanyang amang na isang corrupt na politiko.

NAPAKASAKIT, KUYA EDDIE (1986)

Second time na madirek si Aga ni Lino Brocka sa isang drama tungkol sa pamilyang nagkawatak-watak dahil sa naranasang financial crisis. Nakasama rito ni Aga sina Pilar Pilapil, Ronaldo Valdez, Mona Lisa at Janice de Belen. Nakamit dito ni Aga ang best supporting actor mula sa Catholic Mass Media Award at Gawad Urian.

BAKIT LABIS KITANG MAHAL? (1992)

Unang pagbida ni Aga sa isang Metro Manila Film Festival entry at first team-up niya with Lea Salonga. Tungkol sa isang complicated love triangle ang pelikulang ito ni Jose Javier Reyes. Nanalo rito si Aga ng best actor sa MMFF at isa ito sa top grossers sa MMFF nang taong iyon.

SINUNGALING MONG PUSO (1992)

Ang pelikulang nagbigay ng best actor award mula sa FAMAS at Star Awards kay Aga na mula sa direksyon ni Maryo J. delos Reyes. Tungkol ito sa isang May-December affair na hindi naging maganda ang pagtatapos. Ito ang unang pagtambal ni Aga kay Star For All Seasons Vilma Santos.

MAY MINAMAHAL (1993)

Ikalawang Metro Manila Film Festival movie ni Aga na nagbigay din ng ikalawang MMFF best actor sa kanya. Kuwento ito ng nag-iisang lalaki sa pamilya na puro babae. At ang paghanap niya ng tunay na pagmamahal sa isang babae na galing sa pamilya na puro lalaki. Dinirek ito ni Jose Javier Reyes.

BASTA’T KASAMA KITA (1995)

Unang pelikula ni Miss Universe 1993 Dayanara Torres at si Aga ang napiling leading man. Kuwento ng isang prinsesa na nagsawa na sa buhay na laging binabantayan ang bawat kilos kaya naisipan niyang subukan ang buhay ng isang ordinaryong tao. Sa paglayas niya nakilala ang isang jeepney driver na nagpabago ng tingin niya sa buhay. Dinirek ito ni Rory Quintos.

SANA MAULIT MULI (1995)

Pangalawang pelikula ni Aga kasama si Lea Salonga na dinirek ni Olivia Lamasan at kinunan sa Amerika. Kuwento ito nila Jed at Agnes na pinaghiwalay dahil sa kanilang mga trabaho. Ang pagbabago sa kanilang buhay ang siyang muling magbabalik sa kanilang dalawa. Nagwagi rito si Aga ng best actor award mula sa Gawad Urian.

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi