Aga kinabog na sina Vice, Anne

3 years ago 0 Comments

Naku, wala pa rin ang official box-office gross ng walong movie entries ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019, kaya naman hindi ma-confirm kung true ang tsikang ang “Miracle In Cell No. 7” na nga ba ni Aga Muhlach ang nangunguna, huh!

May ganoon kasing tsika.

Kinabog nga ba ni Aga sina Vice Ganda at Anne Curtis na mga bida sa “The Mall, The Merrier”?

Sabi naman ng iba, hindi raw totoo ‘yon, although close na raw ang kinikita ng “Miracle In Cell No. 7” sa kita ng “The Mall, The Merrier”. True kaya?

Well, ang mga taga-MMFF 2019 lang ang puwedeng makapag-confirm ng tungkol diyan, pero mukhang hindi naman nila ilalabas ang official box-office gross habang hindi pa natatapos ang filmfest, huh!

Anyway, masaya naman na kumikita ang mga pelikulang kasali sa MMFF 2019 kahit pa nga kalat ang tsikang mahina ang “Culion” at “Write About Love”.

Ang “Mindanao” naman daw ni Judy Ann Santos ay nag-pick up na raw sa takilya after manalo ng 11 awards noong Friday.

‘ASAP’ mas maraming pasabog sa 2020

Naku, Dondon, mukhang handang-handa na ang “ASAP Natin ‘To” sa bagong makakatapat nilang show starting January 5.

Ang new show ngang ito ay magsisimula na sa Sunday, pero ang “ASAP Natin ‘To” ay start naman ang selebrasyon ng kanilang 25th anniversary sa araw rin na ‘yon.

Bale February 5, 1995 nagsimula sa ABS-CBN ang “ASAP” at simula nga raw sa Sunday ay simula na ng mga pasabog nila for their silver anniversary.

Mukhang isang buwang selebrasyon ang gagawin ng mga taga-“ASAP Natin ‘To”.

Ang bongga lang na after 25 years nga ay nasa show pa rin si Martin Nievera!

Ang bongga!

Happy New Year!

Dahil walang issue ang Abante bukas, now pa lang, Dondon, babati na ako ng Happy New Year sa lahat. Ang wish ko, mas bumongga pa ang Abante for 2020.

Siyempre, mas bumongga pa rin sana ang lahat ng online shows natin, huh!

(Happy New Year Jun, at sana ay mas maraming bansa pa ang marating ng “Anything Goes with Jun Lalin”).

Source From:https://www.abante.com.ph/aga-kinabog-na-sina-vice-anne.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi