Aga milya-milya ang layo kay Vice

3 years ago 0 Comments

Ni: Rose Garcia

Sa Balanga, Bataan kami nakapanood ng mga entry sa 45th Metro Manila Film Festival. Sa ilang beses namin pagbalik-balik sa sinehan, napatunayan namin hanggang ngayong mga unang araw ng 2020 na walang duda, naagaw ni Aga Muhlach ang korona kay Vice Ganda na ilang taong namamayagpag as number 1 sa MMFF.

Ang Korean film adaptation na “Miracle in Cell No. 7” ay totoong nagta-top ngayon among the entries. Surprisingly, mahilig pa rin pala ang mga Pinoy moviegoers sa mga pelikulang magpapaiyak instead na magpapatawa sa Kapaskuhan.

Malaking bentahe rin siguro na kilala na kasi ang “MIC7” at marami ang nakapanood ng Korean version nito at naku-curious kung paano ang ginawang adaptation ng VIVA Films.

Kinamusta namin ang takilyera kung ano ang leading movie at mabilis ang sagot niya na “Miracle… po.”

Pumapangalawa raw ang “The Mall, The Merrier” at ang “3Pol Trobol”. ‘Yun nga lang, malayo raw ang lamang ng “Miracle” sa kasunod nito.

Inisnab noong una sa Bataan ang “Write About Love” bilang kulang ang sinehan. Pero kahapon, New Year’s Day, tinanggal na ang “Culion” na pinakamahina raw at ipinalit ang movie nina Rocco Nacino at Miles Ocampo.

Sabi nga, you cannot have everything. Hindi man nanalo si Aga as Best Actor na inaasahan ng halos lahat, panalong-panalo naman siya bilang isa sa executive producer ng movie dahil sure na sure na ang malaking income niya mula sa “MIC7”.

Marami pa namang award giving body sa 2020 at may kutob kaming dito hahataw si Aga.

***

Alden naiyak sa b-day greet ng mga fan

Ang bongga ng mga fan ng Asia’s Multimedia Star. At kahit si Alden Richards mismo ay nasorpresa at halatang na-overwhelm sa ginawang ito ng mga tagahanga niya.

Napa-“Thank you very much grabe kayo!” kasunod ang crying emoticon nang i-retweet ni Alden ang announcement ng kayang fan na L.A.W. @League Alden.

Apat na leading LED video wall ang paglalabasan ng video greetings for Alden ngayong araw na ito. January 2 ang actual birthday ng actor at kauna-unahan nga raw na mangyayari ito sa isang Pinoy artist.

Sabi sa announcement, “We are making history on 01.02.2020!

“A first for a local artist’s bday greeting to be played on not just 1 or 2, but FOUR leading LED video screens in the country!”

Makikita ito sa FORUM, Guadalupe, Fuente, Cebu at MOA Globalmaze. From 6 AM to 11 p.m. sa Forum, Guadalupe at Fuente Cebu at 6pm to 12 AM naman sa MOA Globalmaze.

Mala-K-pop Idol ang dating ni Alden. Karaniwan na kasi ang ganitong gimmick ng mga fans sa mga sikat na Korean actors/actress at K-pop idols.

Source From:https://www.abante.com.ph/aga-milya-milya-ang-layo-kay-vice.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi