Aiko, Ara, Sunshine habang tumatagal, lalong tumatatag

3 years ago 0 Comments

Kung paano nakipagbuno ang Abante sa 33 taon nitong pamamayagpag sa mundo ng diario, ganun din naman ang pinagdaanan ng mga aktres na sina Aiko Melendez, Ara Mina at Sunshine Cruz.

Nagsimula bilang mga teen star noong dekada 90’s ang tatlo, at nasubaybayan ng Abante ang lahat ng aspeto sa kanilang mga karera at personal na buhay.

Nauna lang si Aiko sa dalawa na nagsimula bilang child star sa Regal Films, at nakilalang anak ng yumaong 70’s matinee idol na si Jimi Melendez.

Pareho namang inilunsad ng yumao na ring star builder/TV host/producer na si German Moreno o Kuya Germs bilang mga mainstay ng matagal na ring namahinga sa ere na “That’s Entertainment” sina Ara at Sunshine.

Sa pagsulong ng Abante sa samut-saring kuwento sa larangan ng politika, sports, showbiz at mga balita, ganun din halos ang nangyari sa tatlong aktres.

Tinutukan ng Abante ang kuwento ng buhay at showbiz career ng tatlo.

Naging parte ang Abante sa paglago ng kanilang mga karera.

Sina Ara at Sunshine sa murang edad ay sumabak sa mga mapapangahas na mga pelikulang seksi. Pero kalaunan ay naging mga respetado at mahuhusay na aktres din.

Tinumbok naman ni Aiko ang pagiging seryosong aktres at leading lady ng mga kilalang heartthrob sa showbiz, gaya nina Aga Muhlach, Richard Gomez, Zoren Legaspi, at marami pang iba.

Tulad ng Abante, pare-parehong kontrobersiyal ang buhay ng tatlong aktres.

Si Aiko ay nakipagrelasyon kay Jomari Yllana at sumabak sa politika. Nabiyayaan sila ng isang anak na lalake, si Andre Yllana.

Si Ara naman ay nagkaroon ng mga pag-ibig na hindi naman nauwi sa kasalan, pero nag-iwan sa kanya ng isang anak na babae ang Mayor ng Bulacan, Bulacan na si Patrick Meneses.

Ikinasal naman si Sunshine kay Cesar Montano at nagkaroon sila ng tatlong anak na puro magaganda. Pero sa kasawiang palad, nauwi sa hiwalayan na may kasama pang demandahan ang lahat.

Parang pinagtiyap ng panahon na magkakaugnay ang tatlo sa kani-kanilang personal na buhay.

Nagkaroon ng isyu sina Aiko at Ara dahil sa kay Jomari. Pero naayos din ito makalipas ang mahabang panahon, at kinalimutan na nila ang chapter na ito ng kanilang buhay, na kung saan ay pareho rin naman silang nasaktan.

Si Sunshine naman ay nagkaroon ng bagong pag-ibig, ang half-brother ni Ara sa ama, si Macky Mathay.

Si Aiko ngayon ay masaya sa piling ng kanyang boyfriend na si Zambales Vice-Governor Jay Khonghun.

Bagamat wala pang napapabalitang boyfriend si Ara, sabi-sabi na may isang politiko na masugid na manliligaw ito. Tutok din si Aras a kanyang negosyo, ang Hazelberry Cakes and Pastries.

Gaya ng Abante na ngayon ay nasa kakaibang level na, patuloy ang matatag na estado sa industry nina Aiko, Ara at Sunshine. Na kahit sandamakmak na ang mga baguhang artista ngayon, nananatili pa ring aktibo ang tatlo, at hindi matibag.

Yes, sina Ara, Aiko, Sunshine ay parang Abante, habong tumatagal, lalong tumitibay!

Source From:https://www.abante.com.ph/aiko-ara-sunshine-habang-tumatagal-lalong-tumatatag.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi