Naglabas na ng statement si Aiko Melendez sa Facebook (Maria Kendra Melendez) para linawin ang tunay na estado ng relasyon nila ni Zambales Vice Governor Jay Khonghun.
Hindi na napigilan ni Aiko na manahimik sa mga samut-saring sitsit na hiwalay na sila ng public servant kaya pinatunayan niyang nananatiling matatag ang kanilang pagmamahalan ni Vice Gov. Khonghun.
Ginawang rason ng ilang mga intrigero ang hindi pagkikita nina Aiko at ni Jay, pati na ang wala nang photo posting ng dalawa na magkasama gaya nang madalas nilang ibalandra sa kani-kanilang mga social media accounts noon.
Ayon kay Aiko, pinag-isipan nyang mabuti kung magla-live sya sa Facebook para sagutin ang mga tanong tungkol sa kanyang personal na buhay, pero mas pinili nyang maglabas na lamang ng statement.
“Every relationships has its high and lows. VG and I are not perfect. It may seem and look like it. But just like any other couple we go through tough times and challenges to…” sabi pa niya.
“But because we choose to stay together ang fight for what we have, we are still together til now,” dugtong pa ni Aiko.
Sa nakaraang guesting ni Aiko sa online live celebrity talk show namin sa ilalim ng Abante at mapapanood sa FB page ng Abante News Online, ang “Abantelliling” kinuwento ni Aiko na may mga pagkakataong siya ang pumupunta ng Zambales para magdala ng mga donasyon sa kasintahan upang maipahagi sa mga nasasakupan nitong apektado ng lockdown.
May mga panahon namang si Jay ang pumupunta sa bahay nila para magdala lang ng mga pagkain at kung ano-ano.
Dahil sa ‘New Normal’ nagkaroon ng kaunting pagbabago sa dating nakagawian na nina Aiko at Jay. Pero giit niya, hindi napingasan kahit konti ang lapot ng kanilang pagmamahalan at commitment para sa isa’t isa bilang magkasintahan.
***
Gretchen nagbabala sa second wave ng COVID-19
Nagbabala si Gretchen Barretto sa posibleng pananalasa sa mas maraming tao ng COVID-19 ngayong kaliwa’t kanan ang mga balitang dagsa ang mga tao sa mga mall at pampublikong establisyemento nang walang social distancing.
Hindi nagsalita si Gretchen sa kanyang Instagram post, pinoste lang nIya ang isang news advisory sa naganap na pandemic.
Nakasaad sa post ang “Humanity should never allow a repeat same mistake in 1918…”
Sa ilalim ng title na ito ang nangyari noong mga panahong yun.
“LESSONS OF HISTORY…The most severe pandemic in history was a Spanish Flu of 1918. It lasted for 2 years, in 3 waves, with 500 million people infected and 50 million deaths. Most of the fatalities happened in the 2nd wave. The people felt so bad about the quarantine and social distancing measures that when they were first lifted, the people rejoiced in the streets with abandon. In coming weeks, the 2nd wave occurred, with tens of millions dead.
“Let’s not repeat history in the time of Covid-19.”
***
Virus mas kakalat ngayon — Sylvia
Ginawang halimbawa na ni Sylvia Sanchez ang sarili para balaan ang mga taong mag-ingat sa COVID 19. Pinoste ni Sylvia sa kanyang Instagram ang ilang larawan na nagkukumpulan ang mga tao sa pampublikong lugar kahit pa may mga suot na facemask ang mga ito.
“Hindi biro ang pinagdaanan naming mag-asawa sa Covid, please protect yourselves so you don’t go through what we did!” sabi ni Sylvia.
Nag-alala si Sylvia sa posibleng 2nd wave ng virus sa tao at sa pagtaas ng bilang ng mga nahawahan nito.
Ayon pa sa comment ni Sylvia sa sariling post, “Okey lang sana lumabas kung kinakailangan pero ingat sana kasi magkakahawaan talaga sa isa’t isa. 1% pa lang na mass testing sa atin. Dadami pa yan. Katakot sobra!! Sana wag naman pero di malayo ang 2nd wave na malala.”
Source From:https://www.abante.com.ph/aiko-itinanggi-ang-hiwalayan-kay-khonghun.htm