Nagpabukol na naman si Ruru Madrid sa kanyang sa Instagram, dahilan para maglaway ang mga follower niya. Tunay namang nakakapagpainit ng laman ng mga babae, bakla ang larawan dahil hubad ang pang-itaas ng Kapuso hunk, at lantad ang kanyang abs, alsadong chest at pumuputok na biceps at triceps.
Nakatapis lang ng tuwalya si Ruru at makikita ang kanyang bukol. Dagdag pang nasa itsura nito ang bagong paligo na lalong nagpauhaw sa kanyang mga tagahanga.
Bukod kay IC Mendoza, mapapansin ang pangalan ng isang aktor na bilib na bilib sa larawan ni Ruru. Matagal na ngang natsitsismis na berde ang dugo nito, pero mariin nitong itinanggi ang pang-iintriga sa kanya. (Rey Pumaloy)
Source From:https://www.abante.com.ph/aktor-natakam-sa-bukol-ni-ruru.htm