Alapag nasa sideline na ng Sacramento Kings

4 years ago 0 Comments

TUMIKIM ng panalo si Jimmy Alapag sa NBA – sa sidelines nga lang, bilang assistant coach ng Sacramento Kings sa Summer League na ihinu-host ng Kings.

Tinalo ng Kings ang Golden State Warriors 81-77 nitong Lunes (Martes sa Manila) sa opening game ng 2019 California Classic. Iba ang California Classic sa 2019 NBA Summer League sa Las Vegas.

Bago ang laro, tumulong na si Alapag kay Sacramento coach Luke Walton sa shootarounds. Napaulat na tinoka rin sa PBA at Gilas legend ang scouting ng ibang teams sa California Classic.

Si Vlade Divac, general manager ng Kings, ang kumuha kay Alapag para maging isa sa mga assistants ni Walton.

Nang magretiro sa Gilas at sa PBA bilang player, naging coach na si Alapag – una sa San Miguel Alab Pilipinas na inihatid niya sa titulo ng ASEAN Basketball League, bago kinuha ng San Miguel Beer sa pros para maging ayudante ni head coach Leo Austria.

Kontra Warriors, namuno si Weylen Gabriel sa isinumiteng 22 points at 12 rebounds, nagdagdag si dating Oklahoma City Thunder guard Semaj Christon ng 16 points at 11 assists. (VE)

Source From:https://www.abante.com.ph/alapag-nasa-sideline-na-ng-sacramento-kings.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi