Albayalde hinimok si Baldo na sumuko

4 years ago 0 Comments

HINIMOK kahapon ni Philippine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde si Daraga, Albay Mayor Carlwin Baldo na sumuko na sa awtoridad matapos maglabas ng warrant of arrest ang korte laban sa kanya.

“Him surrendering is better para less hassle. Better kung sumuko na lang si Mayor. Anyway, he will have his day in court,” pahayag ni Albayalde media interview sa Camp Crame kahapon.

Kamakalawa ay naglabas ng warrant of arrest sa kasong double murder at six counts of frustra-ted murder ang Legazpi City Regional Trial Court (RTC) Branch 10 laban kay Baldo at natanggap ito ng Albay Police Provincial Office.

Nag-ugat ang kaso matapos na ituro si Baldo ng anim niyang naarestong tauhan na siya ang mastermind sa pagpatay kay Ako Bicol Party-list Representative Rodel Batocabe at police escort nitong si Police Master Sargeant Orlando Diaz gayundin ang pagkasugat ng anim na mga senior citizen. (Edwin Balasa)

Source From:https://www.abante.com.ph/albayalde-hinimok-si-baldo-na-sumuko.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi