Alden huling nakikipaglandian sa girl gamer

3 years ago 0 Comments

Iba rin talaga si Alden Richards! Aba, bigla nga siyang umentra habang nagi-stream ng laro ang magandang streamer na si Bianca Yao.

Gamit ang kanyang Facebook account na Richard Reyes Faulkerson Jr, hindi nakapag-focus si Bianca nang biglang magparamdam si Alden sa kanyang stream.

“Wala na, nawala na ko sa laro,” sey ng Tier One talent. “Hi Alden, thank you for the stars.”

Biniro pa nito si Alden na sinabing bubugbugin niya ang aktor, kung saan nag-reply naman si Alden na huwag sana siyang saktan ng streamer.

“Sige na nga ‘di na kita bubugbugin, aalagaan na lang kita,” ang paeklat na sagot ng streamer.

Naku, ano kaya ang reaksiyon ng mga fan sa pag-entra na ito ni Alden?

Source From:https://www.abante.com.ph/alden-huling-nakikipaglandian-sa-girl-gamer.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi