Alden Richards tagaluto ng mga manok, burger sa Laguna

3 years ago 0 Comments

Nawala na ang pagkainip ni Alden Richards sa Sta. Rosa, Laguna. Base sa chikahan namin, inamin niyang nasasanay na raw siya sa sitwasyon ngayon.

Pero, ang magandang balita nga ay muling binuksan ng Asia’s Multimedia Star ang kaniyang fast food restaurant sa Biñan Highway sa Laguna matapos itong isara bilang pagsunod sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) na ipinatupad noong Marso.

Ilang linggo rin itong tumigil ng operations ngunit napagdesisyunan ng actor na i-resume na ang trabaho rito. Ayon ito sa anunsyo ng kaniyang ama na si Richard Faulkerson Sr.

Pero pinaalalahan din niya ang mga customers na sumunod sa social distancing na patakaran.

“Maraming salamat po! Maayos na pila, maayos na serbisyo,” sey niya. Kaya simula nitong Lunes ay nakakaorder na ulit at sa pamamagitan ng Drive-Thru at Take-Out dito.

Pero siyempre, abala pa rin ngayon si Alden sa pagtulong sa mga frontliner at apektado ng COVID-19 sa iba’t ibang paraan habang tigil muna sa pag-ere ang Centerstage, kung saan siya ang host.

At sa mga report na natanggap namin ay maayos ang takbo ng negosyo ni Alden at hindi nainip ang mga pamilya kahit na sobrang haba ng pila, at puro take out pa yan, huh!

Kaya si Alden ay abalang-abala rin sa pagtulong sa pagluluto ng mga manok, burger kusina sa mga staff nila roon. Pero siyempre, sabik na sabik na si Alden humarap muli sa camera.

Willie Revillame live na ulit sa TV

Marami ang natuwa na balik ere na ang ‘Wowowin,’ ni Willie Revillame, via Facebook, YouTube, Twitter, at pati na sa TV simula nitong Lunes (Abril 13)!

Inanunsyo ito ng host noong nakaraang Linggo kasabay ng kanyang paggunita ng Araw ng Pagkabuhay.

“Good news po sa lahat ng umaasa na manalo sa ‘Tutok to Win’ dahil po live na ulit tayo sa Facebook, Twitter, at YouTube. At hindi lang ho ‘yan, kasama na po ang time slot ng Wowowin, 5 p.m. to 6:30 p.m. po sa GMA 7, live na po ang ‘Tutok to Win’ Wowowin.”

Tiyak na tututukan na naman ng televiewers ang mga sorpresa at papremyong inihanda ni Willie at ng kaniyang team!

Source From:https://www.abante.com.ph/alden-richards-tagaluto-ng-mga-manok-burger-sa-laguna.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi