Alejano kay Digong: Mamuno para sa kapayapaan

4 years ago 0 Comments

SAGLIT na nag-ceasefire ang Otso Diretso senatorial candidate na si Gary Alejano kay Pangulong Rodrigo Duterte nang hilingin nito na sana ay buksan ng Presidente ang sarili nito upang magbago para sa ikabubuti ng bansa.

Para sa ika-74 na kaarawan ng Pangulo noong Huwebes, sinabi ni Alejano na hangad niya na imbes na magdulot ng pagkakawatak-watak ay mamuno para sa pagkakaisa si Duterte.

Sa kanyang pagbati, hiling ni Alejano na sana ay ilaan na lamang ng Pangulo ang kanyang lakas — at ma­ging ang galit niya — sa pagtatanggol sa bansa laban sa mga banta sa ating demokrasya, teritoryo at kalayaan.

Birthday wish din ni Gary para kay Pangulong Duterte na sana magkaroon ito ng personal na pagkakakilala sa Panginoon at tanggapin ang Diyos sa kanyang buhay nang mapamunuan niya ang bansa tungo sa kapayapaan. Ito ay sa gitna ng patuloy na paninira ng Pangulo sa Simbahan at sa mga paring tumutuligsa sa drug war at sa extrajudicial killings.

Isa si Alejano sa mga pinakamalakas na kritiko ng administrasyong Duterte, lalo na sa mga polisiya ukol sa West Philippine Sea at sa tila pagkiling ng pamahalaan sa China kahit pa taliwas ito sa interes ng bansa.

Source From:https://www.abante.com.ph/alejano-kay-digong-mamuno-para-sa-kapayapaan.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi