Alessandra tutok sa pabubuntis ni Assunta

3 years ago 0 Comments

Dahil lockdown pa rin, hindi makapagpa-check-up si Assunta de Rossi sa kanyang OB Gynecologist kahit 15 weeks na nga ang kanyang ipinagbubuntis.

Pero sa tuwing kukumustahin ko naman si Assunta, madalas niyang sabihin sa akin na ok naman siya, although may mga pagkakataon na masama ang kanyang pakiramdam, na natural lang naman sa isang buntis.

Kahit nga pala magkakalayo si Assunta at ang kanyang pamilya, palagi naman silang nagkakausap. Madalas daw kinukumusta si Assunta ng kanyang pamilya.

Siguro kung magkalapit nga lang sila ng bahay ni Alessandra de Rossi ay nakadalaw na ito kay Assunta, pero sa BGC kasi ang condominium ng aktres at ng mister na si Jules Ledesma at sa may Tandang Sora naman ang bahay ng kapatid.

Pero madalas naman silang magka-chat at may pa-video calls din.

May pagkakataon din na kasama sila sa video calls ang kapatid nilang si Isabel na nasa Martano, Italy at ang kapatid na si Margherita na nagwo-work naman sa Amsterdam. May bonus pa na kasama ang Mommy Nenita nila sa tsikahan at Daddy Luigi (Schiavone). (Jun Lalin)

Source From:https://www.abante.com.ph/alessandra-tutok-sa-pabubuntis-ni-assunta.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi