Sinasagot talaga ni Alessandra de Rossi ang mga nagtu-tweet sa kanya. Dahil ilang buwan na nga namang naka-lockdown at aminado siyang may takot sakali nga at kakailanganin na magbalik na sa trabaho dahil sa COVID-19.
Isa si Alessandra sa mga artistang napapanindigan ang prinsipyo niya pagdating sa trabaho niya. Hindi siya madaling mapa-bend sa mga eksenang may kissing at love scene kung sa palagay niya ay pwede namang wala talaga.
Mapili na rin siya sa role na tinatanggap niya lalo na kung sa tingin niya ay wala naman kwenta. Pero nagbiro ito na kung alam lang daw niyang magla-lockdown, sana raw pala ay tinanggap na niya ang mga tinanggihan niyang offers, eh, ‘di sana raw, may pera siya ngayon.
Sagot ito ni Alex sa tweet sa kanya; “Yes. 6 shows tinanggihan ko last year and 3 films dahil ang pangit ng mga mensahe. Eto, lockdown! Sana pala ginawa ko nalang para may pera ako, ‘di naman pala mapapalabas! I’m not visible dahil choosy ako. If I don’t like the message, wag na. Dami ko nang ganyan na role.” (Rose Garcia)
Source From:https://www.abante.com.ph/alessandra-wala-nang-datung.htm