Alex Gonzaga bigo na tulungan ang mga frontliner

3 years ago 0 Comments

Binigo ni Alex Gonzaga ang mga bank frontliners sa kahilingan nila sa online influencer. Ito ang kauna-unahang pagkakataong tumanggi ang isang aktres sa hiling na donasyon sa kasagsagan ng COVID-19.

Nag-tweet ang mga bank frontliner kasama ang kani-kanilang mga larawan na may facemasks pa.

@deyyennie, “@Mscathygonzaga Ms na maganda wala po ba kayo pa- happy cup pra sa aming mga bank frontliners?”

Ang tinutukoy ng mga ito ay ang negosyo nilang magkapatid na Toni na may mga branch sa iba’t ibang lugar.

Nag-reply naman si Alex pero lumalabas na hindi nya kayang matugunan o mapagbigyan ang request ng mga ito.

@MsCathyGonzaga, “Yes soon po pag natapos na itong enhanced quarantine.”

Maiintindihan ang pagtanggi ni Alex sa request ng mga bank frontliners dahil tigil ang operasyon ng mga establishment sa lahat ng parte ng Luzon bukod sa mga malalaking fastfood, supermarket, grocery, banko, drug stores at ospital.

Walang manggagawa o staff sina Alex na gagawa ng drinks nila, na may special processing na pinagdadaanan. Ang pinagkakaabalahan ngayon ng host ay ang pagre-repack ng mga relief goods na ipimamimigay ng kanyang pamilya sa mga kapwa residente nila sa Taytay, Rizal. (Rey Pumaloy)

Source From:https://www.abante.com.ph/alex-gonzaga-bigo-na-tulungan-ang-mga-frontliner.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi