Dahil sa community quarantine, walang magawa ang mga tao, kaya naman nagsimula na rin ang karamihan na maghanap ng kanya-kanyang libangan para iwasan ang pagkainip sa bahay.
Si Alexa Ilacad, matagal nang nagti- TikTok pero mukhang mas mapapadalas nga ang pagti-TikTok niya dahil pansamantala ring pinahinto muna ang mga shooting sa ABS-CBN dulot ng COVID-19.
H i n d i nakaligtas sa mga netizen ang isa sa mga TikTok entry niya na binigyan ng ibang kulay ng mga tao.
“Nag-cover ako ng kanta, kaso ang pangit… ng pinalit mo,” panimula sa dub na kanyang pini-peg.
Sinundan pa ng street song na may lyrics na “ako ay pinagpalit pero di ‘yun masakit, dahil alam ko sa sarili ko na ako ay mas higit yeah, ako mas higit yeah.”
Hindi naiwasan ng mga netizen na balikan kung sino nga ba ang ex o ang tinuturing na ex ni Alexa sa showbiz industry, walang iba kundi si Nash Aguas nga, na dyowa naman ngayon ay si Mika dela Cruz.
Feeling daw ng mga fan ay pinatatamaan ni Alexa sa TikTok entry na iyon ang dalawa.
So ang dating sa mga netizen, mas higit umano si Alexa kay Mika. Kaloka! (Athena Yap)
Source From:https://www.abante.com.ph/alexa-ilacad-tinawag-na-pangit-si-mika-dela-cruz.htm