Alkalde ng Baras, Rizal positibo sa COVID-19

3 years ago 0 Comments

Kinumpirma nitong Martes ni Mayor Kathrine Robles ng Baras, Rizal na nagpositibo siya sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa kanyang opisyal na pahayag, sinabi niyang stable ang kanyang lagay.

Aminado ang alkalde na marami siyang nakakasalamuha dahil sa kanyang tungkulin kaya maaaring sa ganitong paraan niya nakuha ang sakit.

“Sa pagtupad ko po ng aking tungkulin bilang isang lingkod-bayan ay iba’t-ibang tao po ang aking nakakasalamuha at kinakailangan ko rin pong magtungo sa ibang bayan upang makipag-ugnayan sa mga programa ng ating lokal na pamahalaan. Maaaring dito ko po ‘di inaasahang nakuha ang nasabing coronavirus disease,” ani Robles.

Pinayuhan ni Robles ang lahat ng nakasalamuha mula noong Marso 18 na mag-ulat sa municipal health office ng Baras para sa contact tracing at sumunod sa home quarantine.

Nauna nang nagpositibo sa COVID-19 ang gobernador ng Rizal na si Rebecca “Nini” Ynares maging ang alkalde ng Taytay, Rizal na si Joric Gacula.

Pumanaw naman ngayong araw si Vice Mayor Jolet Delos Santos ng Jalajala, Rizal na nagpositibo rin sa COVID-19.

 

Source From:https://news.abs-cbn.com/news/03/31/20/alkalde-ng-baras-rizal-positibo-sa-covid-19

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi