VOLLEYBALL check!
Kantahan check!
Maski sa sayawan ay hindi rin pahahuli ang volleyball phenom na si Alyssa Valdez matapos maispatang tumotodo ng indak.
Pinasilip sa Instagram video post ng 26-year-old Batanueña, 5-foot-9 outside hitter at former Ateneo Lady Eagles star ang angking talento kasama ang kanyang koponang Creamline Cool Smashers sa Premier Volleyball.
Nitong nakaraang dalawang linggo lang, naispatan rin na kumakanta si Alyssa kaya naman marami sa mga fan ang naaliw rin sa kanilang idolo dahil anila halos nakuha na ni Aly ang lahat ng talento sa mundo.
@trinazarah3: “Lodi talaga. Galing mo sumayaw Ly!”
“Ang astig ng mga galaw eh. Swabe lang pero ang cute ng dancers,” dagdag ni @detiitojinky.
Hirit ni @aiyengtotz05: “Super cute mo ate Aly!!!” (Aivan Episcope)
Source From:https://www.abante.com.ph/alyssa-matindi-rin-sa-gilingan.htm