Ana Roces binawalang magpaseksi ng abogado

5 years ago 0 Comments

Noong “That’s Entertainment” days ay isa si Ana Roces sa may pinakamagandang mukha na kinaba­baliwan ng mga lalaki. Nagtaka lang ako dahil matagal din siyang nawala sa showbiz circle, kaya marami ang natuwa na active na naman siya sa showbiz.

Ngayon ay kasama siya sa cast ng “Sahaya” na magsisimula ngayon (Monday, March 18). Gaganap siya bilang si Irene na magiging kontrabida sa buhay ni Manisan na gagampanan ni Mylene Dizon.

“Parang ganun, kasi mainit ang dugo ko kay Sahaya,” sabi ni Ana.

Si Irene ang asawa ni Harold na gagam­panan naman ni Zoren Legaspi at anak naman nila si Lindsay na gagamapanan naman ni Ashley Ortega. Si Ashley ang katrayanggulo ng bidang si Sahaya (Bianca Umali) at Ahmad (Miguel Tanfelix).
Kuwento ni Ana, hands-on siya sa pag-aalaga sa kanyang dalawang anak na sina Mela at Maty.

“I have 2, I have a 14-year old girl, she’s in grade 9, tapos 8-year old boy, grade 3. Wala sa kanila ang mahilig sa showbiz, pero ‘yung daughter ko meron siyang play sa school, so um-acting-acting siya doon, kumanta-kanta.”
Si Maty raw ay hindi rin nagpakita ng interes mag-artista.

“Wala, pero nag-commercial siya noon. Pinalabas sa Malaysia.”

Kasal si Ana sa corporate lawyer na si Trandy Baterina.

“2012 pa kami kasal. Wala naman siyang pinagbabawal. Ang ayaw lang niya ay ‘yung mga pa-sexy.”

Source From:https://www.abante.com.ph/ana-roces-binawalang-magpaseksi-ng-abogado.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi