MATAPOS ang ilang taon na pamamasada gamit ang pedicab, nairaos din ni Renato Ramos sa pag-aaral sa kolehiyo ang anak na si Sandra Estefani Ramos.
Ngunit hindi inakala ni Renato na nagtapos pala bilang magna cum laude sa Bicol State College of Applied Sciences and Technology ang kanyang anak matapos makakuha ng average na 1.49 sa kursong Bachelor of Secondary Education.
Hindi rin makapaniwala si Sandra na magiging magna cum laude siya dahil sa pagkakaalam niya, mas maraming matatalino kaysa sa kanya.
Balak sana itong isikreto ni Sandra sa kanyang ama at sorpresahin na lamang sa mismong araw ng graduation. Subalit isang araw habang nasa kanilang bahay, nilipad ang folder dahil sa malakas na hangin ng electric fan at tumambad sa kanyang ina ang sikreto ng anak.
Nabatid na Grade 5 lang ang inabot ng Mang Renato, habang ang kanyang asawa ay nakatapos ng high school.
Sa kakarampot na kinikita sa padyak, pinagkakasya ng pamilya ang mga gastusin sa pang araw-araw.
Pangarap ni Sandra na maging teacher at suportado naman ito ng kanyang ama.
Ipinost ni Sandra sa Facebook ang kuwento ng kanyang buhay, kalakip ang larawan niya at ng ama habang nakasakay ito sa pedicab.
Source From:https://www.abante.com.ph/anak-ng-padyak-driver-nagtapos-na-magna-cum-laude.htm