Anak ng welder, nagtapos bilang magna cum laude

4 years ago 0 Comments
Sunod na pangarap ni Nico Valera ay ang maging topnotcher sa bar exams. Mitch Lipa, ABS-CBN News

BACOLOD CITY – Nagbunga ang sipag at determinasyon ng 20-anyos na anak ng isang welder nang magtapos ito bilang magna cum laude sa kolehiyo.

Nakapagtapos sa kursong Bachelor of Science in Secondary Education Major in Mathematics si Nico Valera sa Bacolod City College.

Bilib sa binata ang kaniyang mga kaklase dahil magaling siya sa math. Maging ang kaniyang mga guro ay hanga din sa kaniya lalo na’t nagbibigay siya ng panahon para matulungan ang mga kaklase kung math ang paguusapan.

Gaya ng iba, nahilig din sa computer games si Valera pero mas pinaglalaanan niya ng oras ang pag-aaral pag nasa bahay na. Hindi rin nahilig sa cellphone si Valera.

Aniya, masasayang lamang ang oras niya sa social media.

Isang welder ang ama ni Valera habang utility worker naman ang trabaho ng kaniyang ina na kapwa todo-kayod para may maipangtustos sa pagaaral ng kanilang anak.

Sunod na pinapangarap naman ngayon ni Valera ay ang maging topnotcher sa board exams.

Source From:https://news.abs-cbn.com/news/03/29/19/anak-ng-welder-nagtapos-bilang-magna-cum-laude

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi