Anak nina Lloydie, Ellen pinagkakaguluhan sa socmed

3 years ago 0 Comments

Bagong social media sensation­ ang anak nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna na si Elias Modesto Cruz.

Kung noon ay binu-blur ang mukha ni Elias tuwing may pino-post na photo sina JLC at Ellen, ngayon ay hindi na at kitang-kita na up-close ang napaka-cute na anak ng dalawa.

Pinost ang series of photos ni Elias sa Facebook Page ng Kapamilya Online World at marami ang natuwa sa bata.

Na-share nga ang compilation ng mga photo ni Elias ng 23,000 times.

Nag-turn one-year old na si Elias noong June 27, 2019. Pinangalan si Elias sa yumaong ama ni Ellen na si Mr. Alan Modesto Adarna.

Marami na raw advertising agency ang nag-i-inquire tungkol kay Elias para gumawa ng mga TV commercial. Tiyak na magiging in-demand sa maraming child-friendly product si Elias dahil namana nito ang ganda ni Ellen at kaguwapuhan ni JLC.

Hindi kami magtataka kung pasukin din nito balang-araw ang showbiz dahil pang-future heartthrob si Elias. (Ruel Mendoza)

Source From:https://www.abante.com.ph/anak-nina-lloydie-ellen-pinagkakaguluhan-sa-socmed.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi