Anak nina Richard, Sarah masama ang pakiramdam

3 years ago 0 Comments

Noong isang araw ay ka-text ko si Sarah Lahbati at nangumusta ako sa kanila ng fiancé niyang si Richard Gutierrez at sa mga anak nila na sina Zion at Kai.

Reply sa akin ni Sarah: “Hi Kuya Jun! We’re good! Zion’s not feeling well… but bringing him to the doctor today (at nagpa-check-up nga ang panganay nila that day). Kai’s good. Panay kain.

“Don’t forget to watch our ‘Magandang Buhay’ episode on February 14.

“Also, my ‘ASAP Natin ‘To’ guesting ko February 23.

“Si Chard may bachelors trip bukas (kahapon).”

Sa Dakak daw ang bachelor’s party ni Richard kasama ang mga kaibigan.

“Kasama ni Chard ang Euro monkeys guys, mga ka-motor niya,” sabi niya na ang mga misis ng mga ‘yon naman ay um-attend sa una niyang bridal shower na ginanap sa Alabang.

Oo nga pala, up na sa Instagram account ni Sarah ‘yung videos na kuha sa Bali, Indonesia vacation nila kamakailan kung saan nag-celebrate ng birthdays nila sina Richard at Raymond Gutierrez (meron din sa IG niya @mond).

Ang sweet nga pala ni Sarah dahil after namin na magpalitan pa ng text messages at napag-usapan ang coming wedding nila ni Richard on March 14 ay nabanggit niya na, “We got you a something from Starbucks Bali nasa house pa!”

Alam kasi nina Richard at Sarah na fave coffee place ko ‘yon kaya kapag nasa abroad sila at may nakikitang Starbucks ay binibilhan nila ako ng souvenir.

Nice!

Dina sinorpresa si Poe

Same management team sina Lovi Poe at Dina Bonnevie, kaya nasa surprise birthday party ng una ang huli noong isang gabi sa The Frazzled Cook Café.

Si Lovi rin ang gumanap na young Dina sa first week airing ng bagong teleserye ng huli, kaya ang gandang tingnan ng dalawa sa nasabing party.

Ang isa pang bida ng nasabing teleserye na si Snooky Serna, humabol naman sa pa-surprise kay Lovi. May pinanggalingan pa raw kasing commitment si Snooky, kaya sumunod lang siya sa pa-surprise kay Lovi ng manager nilang si Leo Dominguez.

Pops-Martin V-Day concert sold out na

Today is the birthday of the one and only Concert King na si Martin Nievera!

Noong Sunday ay nagkaroon na ng advance celebration sa “ASAP Natin ‘To” si Martin.

Siyempre, sobrang happy si Martin dahil pagpasok pa lang ng buwan ng February ay ang daming bumabati na sa kanya.

Siyempre, good health for his family and love ones ang isa sa wishes ni Martin.

Thankful din ang singer/TV host na hanggang ngayon ay mabili pa rin siya sa concert scene at patunay doon ang 7-night concert series nila ni Pops Fernandez sa The Theater at Solaire on February 14, 15, 17, 18, 19, 20 and 21.

Ang alam ko, wala na ring mabiling tickets for the first two nights at nagkakaubusan na sa iba pang mga araw.

Si Anna Puno nga na siyang producer ng February 14 and 15, abot hanggang tenga ang ngiti, huh! Ang bongga!

Anyway, happy, happy birthday, Martin!

Source From:https://www.abante.com.ph/anak-nina-richard-sarah-masama-ang-pakiramdam.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi