Angel Aquino suportado si Coco Martin

3 years ago 0 Comments

Isa sa mga co-star ni Coco Martin sa Ang Probinsyano ang actress na si Angel Aquino na nagsalita para sumuporta kay Coco.

Hindi lingid sa lahat kung gaano karami at katitindi ang natatangap na mga pamba-bash, panlalait at pang-aalipusta na natatanggap ngayon ni Coco dahil sa pagpapakawala niya ng matatapang na salita kaugnay ng pagsa-shutdown ng ABS-CBN.

Ayon kay Angel, “Kilala niyo kami sa Ang Probinsyano bilang matatapang at walang inuurungan, totoo po yun. Lalo na kapag may nagawang mali sa amin, sa aming pamilya lalung-lalo na sa bayan.

“Isang malaking pang-aapi sa bayan ang ginawang pagsasara sa ABS-CBN sa mga rason na paulit-ulit niyo ng na naririnig. Pero, hindi kami mananahimik hangga’t hindi naitatama ang mali. Hindi kami titigil dahil ang laban na ito ay hindi lang para sa amin o sa aming mga pamilya, ang laban na ito ay para rin sa mga Filipino na naghahangad ng tamang pamamahala at tunay na pamumuno. Karapatan natin ito at ipaglalaban natin ang tama.”

At tila pagbibigay assurance nga ng aktres kay Coco, “Kasama mo ako. Coco. Sinuportahan kita. Gawin natin para sa bayan.”

Ngayon, ika-apat na araw na hindi nagu-operate ang Kapamilya network. (Rose Garcia)

Source From:https://www.abante.com.ph/angel-aquino-suportado-si-coco-martin.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi