Angel Locsin umalma sa headline ng news.abs-cbn.com

3 years ago 0 Comments

Umapela ang Kapamilya actress na si Angel Locsin sa mismong headline na inilabas ng news.abs-cbn.com sa kanyang artikulo. Ang artikulong ito ay hango sa naging live message ni Angel hinggil sa nangyaring pagkaka-shutdown ng ABS-CBN.

Isinulat na namin dito kahapon ang ilan sa naging mensahe ni Angel at ito ay ang pakiusap niya na sana raw, i-extend at payagang mag-operate ng NTC ang network habang dinidinig ang kaso sa prangkisa, lalo na at libo-libong empleyado ang mawawalan ng kabuhayan ngayong may pandemic dulot ng COVID-19.

Pero sa headline ng ABS-CBN News, nakalagay ang “Angel Locsin: Taking ABS-CBN off air puts public safety at risk during pandemic.”

Nag-reply si Angel sa ABS-CBN news nang mabasa ang headline at link ng article niya sa Twitter at buong ningning niyang sinabi na, “Fix your headline.”

Dahil naman sa pagtatama o pag-apela ni Angel sa para rito’y maling headline, tila nagamit naman ito ng mga pro-ABS-CBN shutdown o mga supporter ng Pangulo at sinasabing kaya dapat lang magsara, mismong artista niya, nagsasabi ng fake news kayo.

Pero siyempre, may mga nagdepensa at sinasabing, wala namang mali sa inulat ng ABS-CBN.news, ang naiba lang ay ang headline na ipinababago ni Angel. (Rose Garcia)

Source From:https://www.abante.com.ph/angel-locsin-umalma-sa-headline-ng-news-abs-cbn-com.htm

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi