Angel tumigil na sa paghingi ng donasyon

3 years ago 0 Comments

Tigil na muna sa paghingi ng donasyon si Angel Locsin simula kahapon (April 13). Sa kanyang Instagram ay ipinakita ni Angel sa kanyang video post ang kabuuang nalikom na pondo para sa pagtatayo ng mga tent para sa mga medical frontliner at COVID-19 patients, sa ilalim ng kanyang project na Unitent.

Umabot sa halagang P10,956,702.98 ang lahat ng nalikom ng aktres at P9,847,400 naman ang babayaran niya sa kanyang mga supplier.

Detalyadong inilahad ni Angel ang lahat ng pinaggamitan ng pera, na ultimo breakdown sa gas, water, pagkain at tip ay ibinahagi niya.

Maging ang binabayaran niya sa katuwang na online payment na umaabot sa P200K ay ipinakita rin niya.

Hindi na tatanggap ng donasyon ang grupo ni Angel dahil ayon sa kanya ay isinara na niya ito. Naabot na raw ng aktres ang quota sa pagdu-donate ng mga tent sa mga ospital na umaabot sa 150 hospital.

Pero, kahit hindi na siya humingi ng donasyon, sinabi niya niya tuloy pa rin ang pagbibigay niya ng serbisyo sa mga ospital. Makikita sa kanyang tweet ang patuloy pa rin niyang paglalahad ng kamay para sa mga nangangailangan ng gamot, at kung ano-ano pa.

Bea Alonzo nagluto ng masarap na pagkain sa 4 ospital

Itinuturing ni Bea Alonzo na isa siyang “bigo” sa dapat sana ay inaasahang dami ng pagkain na maihahanda niya para sa mga health worker.

Nakaposte sa Instagram ni Bea ang pagluluto ng pagkain, na ayon sa kanya ay para sa 100 pack. Pero sa caption, sinabi ni Bea na hindi siya nagtagumpay dahil 98 lang ang nagawa niya.

Pero nakaramdam ng satisfaction ang dalaga dahil siya mismo ang nagluto at nag-prepare nito. Apat na ospital ang pinadalhan ng aktres ng pagkain.

Dyowa ni Pokwang namigay ng pagkain sa mga TV, film worker

Kung sino pa ‘yung hindi naman talaga big star ay siya pang may malasakit sa mga maliliit na manggawa ng pelikula at telebisyon.

Nagpadala ng kanyang mga donasyong bigas at iba pang mga pagkain ang American husband ni Pokwang para sa mga film at TV worker.

Nakaposte sa Instagram ng aktor ang ilang larawan ng pagbabalot ng mga bigas na ayon sa kanyang caption ay ipamamahagi niya sa mga kapuspalad na mga production worker, crew, cameramen, lighting technician, gaffer at art department staff.

Ang mga nasabing manggagawa ay day-to-day basis ang kita sa mga film, TV production na walang permanenteng posisyon sa kumpanya.

Pinuri si Lee ng kanyang mga follower dahil sa pagkakaroon niya ng malasakit sa kapwa niya, bagamat hindi siya maituturing na big star dito sa Pilipinas.

Hayden, Vicki nagpamudmod ng mamahaling

tsokolate sa mga health worker

Pagdating sa kasosyalan at pagiging pabulosa kahit sa gitna ng COVID- 19 crisis ay wala pa ring tatalo kina Vicki Belo at Hayden Kho. Nagpamigay lang naman ng mga imported Sees chocolates ang mag-asawa sa mga medical frontliner.

Simple lang ang rason ng dalawa, na gusto nilang pangitiin at pagaanin ang pinagdadaanang pressure ng mga ito.

Mababasa sa mga comment ng kanilang followers na naloloka ang mga ito sa kasosyalan at pagiging fabulous ng mag-asawa.

Tom Rodriguez nagpapabayad ng P500 para sa mahihirap

Ang pagguhit o sketching ang gimik ni Tom Rodriguez at ng kanyang mga kaibigan bilang panghatak para makalikom ng pondong itutulong sa mga medical frontliner at mga kapuspalad.

Sa Instagram post ni Tom, nag-alok siya na iguhit ang mga mukha ng mga intresadong netizen sa halagang P500. Nagpasample na nga ang aktor at yun ay ang nakabalandrang portrait sketch ng kasintahang si Carla Abellana.

Malinaw ang mensahe ni Tom na hindi nila hahawakan ang pera dahil didiretso ito sa website na siyang in-charge sa pagbuo ng gagawin nilang tulong.

Humakot agad ng reaksiyon ang alok ni Tom, na ultimong mga nasa ibang bansa na mga Pinoy ay intresadong magpaguhit at magbigay ng P500.

Inigo Pascual bongga ang collab sa mga int’l singer

Pumabor ang lockdown sa career bilang singer ni Inigo Pascual. Ibinalita ni Inigo na dahil sa lockdown ay nagkaroon siya ng pagkakataong magkaroon ng music collaboration sa ilang mga international singer.

Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Aplikasi UP Station
telah tersedia sekarang
Buka Artikel
Download Aplikasi