Nag-message ako sa Gutierrez matriarch na si Annabelle Rama.
Tumawag naman kaagad si Bisaya.
“Tita, baka naman panay pa ang labas mo ng bahay. Huwag ka na lumabas!” sabi ko sa kanya.
“Hindi! Tatlong araw na ako dito lang sa bahay.
“Sabi nga ni Eduardo (her husband Eddie Gutierrez), tiyak daw, sobrang affected ako ng COVID-19 dahil nasa bahay lang daw ako.
“Sanay kasi si Eduardo na maagang-maaga nasa labas na ako, ‘tapos late na ako umuuwi. Pero ngayon, nandito lang kaming lahat sa bahay. Hindi kami lumalabas,” sabi niya.
Kilala sa pagiging paladasal si Bisaya, kaya panay rin ang dasal niya na sana ay tuluyang mawala na ang COVID-19!
Samantala, nagawang isingit ni Bisaya ang panganay niyang anak na si Ruffa Gutierrez sa tsikahan namin. Sinita-sita raw niya si Ruffa.
“Sabi ko, baka labas siya nang labas. Sabi ko, kaya nga wala silang taping ng ‘Love Thy Woman’, dapat nasa bahay lang siya, asikasuhin niya ang mga anak niya. Huwag na siyang maglalalabas.
“Sabi niya, lumabas siya para mag-grocery para may pagkain sila.
“Sinabihan ko siya na huwag kain nang kain. Baka kasi kapag nag-resume ang taping nila ng ‘Love Thy Woman’ ang taba na niya.
“Sabi niya, linis lang daw siya nang linis sa bahay. Panay lang ang ayos niya. So, nag-grocery lang siya, kaya siya lumabas,” kuwento pa ni Bisaya.
Raymond todo tipid sa pagkain
Kahapon ay ilang mga malalapit sa akin ang kinumusta ko.
Si Raymond Gutierrez ang unang nakausap ko.
Hindi raw siya lumalabas ng condominium unit niya. May isang kasambahay lang siya na kasama.
“I haven’t left my condo for three days now. Actually, I went out pala, nag-grocery kami para may food,” sabi niya.
Gustuhin man niyang pumunta ng gym, sarado rin naman, kaya sa bahay lang din siya nag-e-exercise.
Medyo tinitipid din niya ang food na binili niya, konti-konti lang para magtagal ‘yon. So, panay lang ang panonood ng movies and news ni Raymond ngayon.
Actually, kapag may breaking news, pinadadalhan din niya ako ng link.
Siyempre, he’s also praying na matapos na ang problema sa COVID-19 para bumalik na sa normal ang buhay nating lahat!
Source From:https://www.abante.com.ph/annabelle-rama-3-araw-nang-nakakulong.htm